Sa tingin ko, kapag namatay ka, ang feeling ay tulad ng
isang nakaka-iyak na panaginip, na ang sakit-sakit sa dibdib, tapos bigla ka na
lang magigising... umiiyak ka pa rin at ramdam mo pa ang sakit sa dibdib at
sasabihin mo na lang sa sarili, "nakakaiyak naman yun at ang sakit naman
sa dibdib ng panaginip na yun".
Parang kapag namatay ka, lalo na kapag
aksidente o pinaslang ka, may ilang mabilis na segundong magtatalo ang isipan at katawan mo kung
tatanggapin mo ba na mamamatay ka na, i-iiyak mo na lang yun sa loob-loob mo
hanggang mandidilim na lang ang mata mo, at paggising mo sa kabilang buhay,
nandun pa rin ang sakit sa loob mo at sasabihin sa sarili mo na "Bakit ako
namatay agad! Ang sakit naman sa dibdib nun”. Hindi mo agad matatanggap,
iisipin mong mahirap pala tanggapin na nawala ka agad sa mundo".
No comments:
Post a Comment
Feel free to comment.