Naisip ko magsulat tungkol sa pag-cocommute ko dahil sa
naranasan at nabasa ko ngayong araw na ‘to. Sa hinaba-habang panahon kong
mag-MRT, mabilis ang dating ng tren kaninang rush hour sa Shaw blvd. Wala pa
atang 2 minuto may kasunod na, ika nga, international standard ang train
arrival time ng MRT kanina. At take note, umulan pa ng malakas yun. Iniisip ko,
improving. Sana nga. Tapos naririnig ko si Pacquiao, nag-MRT. Tapos nakita ko
picture ni Kris Aquino, sumakay rin, ayaw padaig. Inisip ko na lang, sana
madevelop pa ng husto ang rail system natin tulad ng mga kapit-bahay natin na Singapore,
Hongkong atbp.
Na-realize ko, 15 years na pala akong nag-cocommute ng tren. Laking
train ika nga. Since Grade 4, nag-cocommute na ako. Grade school to College,
LRT 1. Nung nagtrabaho na, MRT naman. Eh bilang walkable distance lang ako sa
LRT (Baclaran) at MRT (Taft) – parehas dulo. Kaya naman laging nakakaupo!
Kapag tinatanong nila ako, saan ka nakatira? Sabi ko Pasay.
Reaction nila, layo naman. Natatawa na lang ako. Kung alam niyo lang, wala pang
20mins ang biyahe ko mula amin hanggang LRT Central. 25 minutes naman mula MRT Taft
hanggang MRT Quezon Ave. Tapos, aircon pa, nakaupo pa. Konting
lakad na lang pagbaba ng tren. Kapag naglalakad nga ako, iniisip ko, ilang calories
din ito! Haha.
Masaya mag-commute sa tren lalo na kapag hindi rush hour. Ramdam
ko ang laya ko sa paglalakad, ang laya ko mag-isip habang nakadungaw lang. Saulado
ko na nga ata lahat ng makikita kapag nakadungaw sa tren. Hindi sa
pagmamayabang, kalkulado ko na rin lahat ng biyahe sa LRT at MRT (except LRT2),
pati mga pautot ng mga train driver na “hindi magsasakay yang train na yan”
pero skip train pala, magbubukas sa susunod na istasyon. Ang hindi ko na nga
lang naeexperience eh yung masiraan ang train sa gitna ng railway, tapos
maglalakad lahat sa pinakamalapit na station. Saya di ba! J
Minsan nga kapag pumasok ako sa turnstile sa MRT Taft
station, tapos nakita ko umaakyat pa lang yung mga tao na lumabas sa loob ng
train, tapos ung mga kasabayan kong pumasok dali-dali naman bumaba sa train
platform para makasakay na akala mo aalis agad yung tren, natatawa na lang ako.
Sa isip-isip ko, 3-4 mins pa yan bago umalis kaya kalma lang. Siyempre, lalabas
lahat ng pasahero kasi nga last station, maglalakad pa yung driver para pumunta
sa kabilang dulo, kakalikot pa sa driver' seat ng kung ano-ano, etc. Magmadali
ka kapag bukas na ang ilaw sa pinto at mas lalo kang magmadali kapag binuksan
na ang aircon sa loob dahil kulang-kulang sampung segundo na lang mag-wawarning
buzzer na yan para magsara ng pinto.
Madalas ako makakita ng mga post na nagrereklamo dahil sa
traffic, iniisip ko buti na lang I have my “Train Advantage”. Kaya hanggang
ngayon, hindi ko pa rin priority ang magka-sasakyan. Hindi ko nakikitang
convenient ang pagkakaroon ng sasakyan sa ngayon. Dagdag alagain para sa akin.
Hahanapan mo pa ng parking (lalo na’t walang parking sa amin. Haha). Tapos dagdag
expenses pa dahil sa maintenance. At feeling ko, karamihan puro yabang lang,
kaya ayun di magkaugaga sa kakatrabaho mabayaran lang ang sasakyan. Haha.
Convenient pa talaga sa akin ang mag-commute. Minsan, kapag maisip mong sumaglit
sa isang mall, baba ka na lang sa station. J
Sabi ko nga wala pang malaking pangangailangan sa akin. Accessible
pa naman ako sa mga train stations. Pati maiksi kasi ang pasensiya ko, ayoko
na-tatraffic, ayoko nasasayang oras ko.
Dahil nga siguro kalkulado ko na ang mga biyahe ng tren, kalkulado ko na rin
ang magiging itinerary ko buong araw. Sanay na ako sa biyaheng tren at ayoko ng
mga hassle sa kalsada.
Sa sobrang gusto kong kalkulado biyahe ko, minsan kapag
kailangan mag-taxi, i-gogoogle map ko pa yung destination ko para alamin ang magandang
daan na hindi traffic. Laki kasi akong puro mapa ang hawak ko dahil binibigay
ng tatay kong seaman dati.
Siguro, kung magkakaroon ako ng sasakyan, bihirang ako
magddrive, kailangan may driver. Isa sa mga “thinking time” ko rin kasi ang
biyahe. Dungaw doon, dungaw kung saan-saan madaan. Mahirap na mag-isip ng kung
ano-ano habang nag-ddrive di ba?
Kaya nga sa dami ng naisip ko, nangangarap ako na magkaroon
ng iba pang train lines sa Metro Manila tulad ng mga ito, ang iba pa nga nasa
papel na, meaning plano na:
*MRT mula North Edsa hanggang San Jose Del Monte, Bulacan,
ang daan sa Commonweatlh.
*LRT Extension Baclaran hanggang Cavite, daan sa Coastal at Aguinaldo
Highway.
*Monorail para sa mga turista at businessman mula NAIA daan
ng Coastal, Entertaiment City, MOA Complex, Macapagal Blvd, saka lang mag-Roxas
Blvd hanggang sa Intramuros, Manila.
*MRT mula Katipunan area, daan ng C5 tapos isang station sa
BGC, patuloy hanggang makarating ng Alabang.
*Monorail along Sucat Ave mula SLEX hanggang Airport o Roxas
Blvd
*Monorail mula España UST hanggang sa QC Circle, connecting
to MRT station na papuntang San Jose Del Monte Bulacan.
I can just imagine the efficiency of our transport system.
Libre mangarap. J
After all, thankful ako sa aking "Train Advantage"
And I will always be a proud commuter.
And I will always be a proud commuter.
No comments:
Post a Comment
Feel free to comment.