Pages

Tuesday, September 10, 2013

My Train Advantage

Naisip ko magsulat tungkol sa pag-cocommute ko dahil sa naranasan at nabasa ko ngayong araw na ‘to. Sa hinaba-habang panahon kong mag-MRT, mabilis ang dating ng tren kaninang rush hour sa Shaw blvd. Wala pa atang 2 minuto may kasunod na, ika nga, international standard ang train arrival time ng MRT kanina. At take note, umulan pa ng malakas yun. Iniisip ko, improving. Sana nga. Tapos naririnig ko si Pacquiao, nag-MRT. Tapos nakita ko picture ni Kris Aquino, sumakay rin, ayaw padaig. Inisip ko na lang, sana madevelop pa ng husto ang rail system natin tulad ng mga kapit-bahay natin na Singapore, Hongkong atbp.

Na-realize ko, 15 years na pala akong nag-cocommute ng tren. Laking train ika nga. Since Grade 4, nag-cocommute na ako. Grade school to College, LRT 1. Nung nagtrabaho na, MRT naman. Eh bilang walkable distance lang ako sa LRT (Baclaran) at MRT (Taft) – parehas dulo. Kaya naman laging nakakaupo!

Kapag tinatanong nila ako, saan ka nakatira? Sabi ko Pasay. Reaction nila, layo naman. Natatawa na lang ako. Kung alam niyo lang, wala pang 20mins ang biyahe ko mula amin hanggang LRT Central. 25 minutes naman mula MRT Taft hanggang MRT Quezon Ave. Tapos, aircon pa, nakaupo pa. Konting lakad na lang pagbaba ng tren. Kapag naglalakad nga ako, iniisip ko, ilang calories din ito! Haha.

Masaya mag-commute sa tren lalo na kapag hindi rush hour. Ramdam ko ang laya ko sa paglalakad, ang laya ko mag-isip habang nakadungaw lang. Saulado ko na nga ata lahat ng makikita kapag nakadungaw sa tren. Hindi sa pagmamayabang, kalkulado ko na rin lahat ng biyahe sa LRT at MRT (except LRT2), pati mga pautot ng mga train driver na “hindi magsasakay yang train na yan” pero skip train pala, magbubukas sa susunod na istasyon. Ang hindi ko na nga lang naeexperience eh yung masiraan ang train sa gitna ng railway, tapos maglalakad lahat sa pinakamalapit na station. Saya di ba! J

Minsan nga kapag pumasok ako sa turnstile sa MRT Taft station, tapos nakita ko umaakyat pa lang yung mga tao na lumabas sa loob ng train, tapos ung mga kasabayan kong pumasok dali-dali naman bumaba sa train platform para makasakay na akala mo aalis agad yung tren, natatawa na lang ako. Sa isip-isip ko, 3-4 mins pa yan bago umalis kaya kalma lang. Siyempre, lalabas lahat ng pasahero kasi nga last station, maglalakad pa yung driver para pumunta sa kabilang dulo, kakalikot pa sa driver' seat ng kung ano-ano, etc. Magmadali ka kapag bukas na ang ilaw sa pinto at mas lalo kang magmadali kapag binuksan na ang aircon sa loob dahil kulang-kulang sampung segundo na lang mag-wawarning buzzer na yan para magsara ng pinto.

Madalas ako makakita ng mga post na nagrereklamo dahil sa traffic, iniisip ko buti na lang I have my “Train Advantage”. Kaya hanggang ngayon, hindi ko pa rin priority ang magka-sasakyan. Hindi ko nakikitang convenient ang pagkakaroon ng sasakyan sa ngayon. Dagdag alagain para sa akin. Hahanapan mo pa ng parking (lalo na’t walang parking sa amin. Haha). Tapos dagdag expenses pa dahil sa maintenance. At feeling ko, karamihan puro yabang lang, kaya ayun di magkaugaga sa kakatrabaho mabayaran lang ang sasakyan. Haha. Convenient pa talaga sa akin ang mag-commute. Minsan, kapag maisip mong sumaglit sa isang mall, baba ka na lang sa station. J

Sabi ko nga wala pang malaking pangangailangan sa akin. Accessible pa naman ako sa mga train stations. Pati maiksi kasi ang pasensiya ko, ayoko na-tatraffic,  ayoko nasasayang oras ko. Dahil nga siguro kalkulado ko na ang mga biyahe ng tren, kalkulado ko na rin ang magiging itinerary ko buong araw. Sanay na ako sa biyaheng tren at ayoko ng mga hassle sa kalsada.

Sa sobrang gusto kong kalkulado biyahe ko, minsan kapag kailangan mag-taxi, i-gogoogle map ko pa yung destination ko para alamin ang magandang daan na hindi traffic. Laki kasi akong puro mapa ang hawak ko dahil binibigay ng tatay kong seaman dati.

Siguro, kung magkakaroon ako ng sasakyan, bihirang ako magddrive, kailangan may driver. Isa sa mga “thinking time” ko rin kasi ang biyahe. Dungaw doon, dungaw kung saan-saan madaan. Mahirap na mag-isip ng kung ano-ano habang nag-ddrive di ba?

Kaya nga sa dami ng naisip ko, nangangarap ako na magkaroon ng iba pang train lines sa Metro Manila tulad ng mga ito, ang iba pa nga nasa papel na, meaning plano na:

*MRT mula North Edsa hanggang San Jose Del Monte, Bulacan, ang daan sa Commonweatlh.
*LRT Extension Baclaran hanggang Cavite, daan sa Coastal at Aguinaldo Highway.
*Monorail para sa mga turista at businessman mula NAIA daan ng Coastal, Entertaiment City, MOA Complex, Macapagal Blvd, saka lang mag-Roxas Blvd hanggang sa Intramuros, Manila.
*MRT mula Katipunan area, daan ng C5 tapos isang station sa BGC, patuloy hanggang makarating ng Alabang.
*Monorail along Sucat Ave mula SLEX hanggang Airport o Roxas Blvd
*Monorail mula EspaƱa UST hanggang sa QC Circle, connecting to MRT station na papuntang San Jose Del Monte Bulacan.

I can just imagine the efficiency of our transport system. Libre mangarap. J
After all, thankful ako sa aking "Train Advantage"
And I will always be a proud commuter.