1. I-aabolish ko ang Pork Barrel. Tatanggalin ko ang lahat ng “development
assistance” ng lahat ng indibidwal na opisyal ng pamahalaan. Leave it to proper
agencies.
2. Pero tataasan ko ng 30% ang suweldo ng lahat ng government
officials and employees.
3. I-aallocate ko ang pondo ng PDAF at ng mga kauring “development
assistance” sa dalawa, unang 50% nito sa Executive Department, para:
- Bawat barangay may pre-school at health center, bawat lungsod at bayan sa buong Pilipinas ay may public hospital, public elementary, high school at college.
- Maisakatuparan ang national ID system para sa lahat ng Pilipino.
- Makagawa ng sariling sasakyan ang Pilipinas at mabawasan ang import ng sasakyan.
- Makabili ng mga warship at submarine.
- Bawat barangay may pulis station.
- Ma-explore na ang Benham Rise.
- Mapaghusayan ang paghahanda sa mga kalamidad.
- Maka-imbento ng mga tanim na kayang mabuhay sa kalamidad.
- Makagawa ng mga tourist attraction kung saan lahat ng tourist attractions na meron sa buong mundo nasa isang theme park sa isang island.
- Unti-unting paghandaan ang space exploration.
4. I-aallocate ko rin ang natitirang 50% sa Local Government
Units, para:
- Hindi na pag-aagagawan masyado ng mga pulitiko ang mga national position, sa local level na lang sila magpapatayan kasi nandun ang budget. (yun lang, ok lang mas malakas na puwersa ng kapulisan)
- Hindi na magsisiksikan lahat sa NCR kasi may mga job and business opportunities na sa kanilang mga bayan at lungsod. Para sa gayon din madali nang made-decongest ang Metro Manila at maaayos na ang baha. (yahoo!)
- Magkakaroon ng paligsahan bawat rehiyon/probinsya/lungsod sa bansa. Ang may pinakamataas na kalidad ng pagasenso ay magkakaroon ng incentive at mas mataas na pondo sa susunod na taon.
- At para mas makapaglaan ng pondo ang mga LGU sa paghahanda sa kalamidad.
5. Lahat ng programa at proyekto ng Executive department dapat
tumutugon sa pangangailangan ng LGU, ganun din ang LGU dapat nakalinya sa
vision ng Executive department. Ika nga, in partnership lagi. Bawal mag-solo ng
proyekto. Signatory ang department secretary at punong lungsod/munisipyo kung
saan gagawin ang lahat ng proyekto. Ang
mga senador at kongresista, gagawa lang ng batas.
6. Magkakaroon ng bagong pamantayan sa eleksyon.
- Para makatakbo bilang presidente at bise presidente, dapat senador ka.
- Para makatakbo bilang senador dapat kongresista ka.
- Para makatakbo bilang kongresista dapat nakatapos ka ng isang termino sa LGU maliban sa barangay level o naging department secretary sa loob ng tatlong taon.
- Bubuwagin ko ang Sangguniang Kabataan pero palalakasin ang community involvement ng kabataan sa pamamagitan ng mga paaralan.
Sarap mangarap.
Easier said than done.
Hahaha.